Biyernes, Enero 20, 2012

The Blogger >:(


Hindi ko talaga alam kung pano sisimulan tong blog ko :< Kaya magsasabi at magkwekwento nalang ako tungkol sa sarili ko. Una sa lahat, 4th year high school pa lang ako kaya kung may wrong grammar or talkshit dito, intindihin nyo nalang. Hindi po ako mahilig magbasa pero humor blogs got my attention, isa na dito yung tontopotato.blogspot.com tsaka mgaepal.com. Skip reader din ako minsan kapag di ko nagustuhan yung simula ng binabasa ko. Hindi ako katalinuhan pero nakakaintindi naman. May pagka masama ang ugali ko, lalo na sa mga kaklase kong weirds, basta hindi ko gusto yung kinilos nila magsusunget na agad ako. Pinakaiinisan ko sa lahat e yung teacher na gumaganti sa grade, nakakainis. Hindi naman magaling magturo nagbibigay ng palakol >:( Ang magiging laman lang po nito eh tungkol sa mga nakikita ko at na eexperience ko. Hindi rin kasi ako magaling makipag usap dahil mahiyain ako kaya dito ko nalang idadaan yung mga naiisip ko. :)